Kinumpirma ng Sandiganbayan Third Division na naghain ng petisyon ang kampo ni dating Senador Ramon “Bong Revilla Jr. para makapag-piyansa sa kaniyang non-bailable na kasong malversation.
May kaugnayan ang kaso sa umano’y P92.8 ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Matatandaan, nauna nang nagpasok ng not guilty plea ang Sandiganbayan 3rd Division para kay Revilla matapos tumangging magsumite ng kaniyang plea sa kasagsagan ng arraignment.
--Ads--
Nauna naman ng nagpasok ng not guilty plea ang Sandiganbayan Fourth Division para sa kasong graft ng dating Senador.
Sa ngayon, nananatiling nakadetine si Revilla sa New Quezon City Jail sa Payatas.









