Kasalukuyan nang kinukumpuni at isinasagawa ang retrofitting ng Narciso Ramos Bridge na nagdudugtong sa mga bayan ng Asingan at Sta. Maria.

Ang proyekto ay inisyatiba mula sa DPWH Region 1 na may pondong inilaan na aabot sa 250 million pesos.

Ito ang pinakamahabang tulay sa Pangasinan na may habang 1.4 kilometers at may edad na 27 taon.

--Ads--

Dahil dito sa konstruksyon, pansamantalang isasara ang isa sa dalawang linya sa tulay upang bigyang-daan ang mga gawain kaya inaasahang magdudulot ito ng pagbagal sa daloy ng trapiko.

Naglalayon ang proyekto na palakasin ang istruktura ng tulay at pahabain pa ang buhay ng serbisyo nito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga dekalidad na bakal at iba pang materyales lalo na sa mga expansion joints nito.

Inaasahan namang magtatagal ang konstruksyon hanggang sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

Pinapayuhan naman ang mga motorista na mag-ingat at sumunod sa mga babala sa trapiko habang isinasagawa ang retrofitting.

Maaaring makararanas ng mas matagal na biyahe dahil sa pagsasara ng isang linya kaya inirerekomenda rin ang paggamit ng alternatibong ruta kung maaari.