DAGUPAN CITY- Isang masayang pagdiriwang ang pagreretiro at ika-65 kaarawan ng isang long-time Municipal Agriculturist sa bayan ng Mangaldan.
Ang pagtitipon ay isinagawa sa ika-3 palapag ng Municipal Hall Building, kung saan dumalo ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan sa trabaho upang magbigay-pugay sa kanyang matagumpay na serbisyo.
Kalakip niyan ay ang pagbabalik-tanaw ng ilang mga opisyal sa mahaba nilang ugnayan at sa hindi matatawarang dedikasyon ng agriculturist sa kanyang trabaho.
Ayon sa ilang nagbigay pahayag, hindi matatawaran ang kanyang malasakit sa mga magsasaka at ang hindi pagsuko sa paglilingkod sa kabila ng mga hamon sa trabaho. .
Kasama sa mga nagpahayag ng pasasalamat ang mga opisyal at mga katrabaho mula sa iba’t ibang departamento,
Ayon sa kanila, si Sali ay isang modelo ng pagtutulungan at dedikasyon sa trabaho na nagbigay ng gabay at lakas sa bawat isa sa kanilang team.
Bago makarating sa kanyang posisyon bilang Municipal Agriculturist, nagsimula ang kanyang siya sa pwesto noong 1983 bilang isang Livestock Inspector.
Sa loob ng tatlong dekadang serbisyo, ipinamalas niya ang kahusayan sa pagtulong sa mga magsasaka at pagpapabuti ng sektor ng agrikultura sa lokalidad.