Kinasuhan ng alarm and scandal at paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm ang isang retiradong philippine army sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PCapt Jervel Rillorta, hepe ng Sta Maria PNP, agaran aniyang nirespondihan ng kapulisan ang isang report mula sa isang concern citizen na may nagpapaputok sa kanilang lugar.
Pagkarating ng awtoridad sa naturang lugar ang mga kapitbahay at barangay official, tinuturo ang isang lalaki.
Nang nilapitan ng kapulisan, dahilan ng 58 anyos na retired philippine ay na aksidente lamang umano nitong napaputok ang baril.
Sinuri ng kapulisan ang baril ng suspek at naglabas din aniya ito ng kaukulang papeles subalit hindi tumutugma ang serial number nito kaya kinasuhan aniya ito ng alarm and scandal at paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm.
Caliber 45 na unit ng baril ang ginamit ng suspek.
Sinumiti na sa crime laboratory ang baril na ginamit ng suspek para sa ballistic at cross matching examination.
Sa ngayon, nakapagpiyansa na ang suspek ng P100,000 at pansamantalang nakalaya.
Ang naturang suspek ay Residente ng barangay San patricio na nanilbihan ng mahigit 20 taon sa Phil Army at matagal ng nagretiro sa kaniyang katungkulan.




