DAGUPAN CITY—Patay matapos gilitan sa leeg ang isang retiradong guro ng 2 estudyante kabilang ang isang menor de edad at pinagnakawan pa ng motorsiklo sa bayan ng Tayug Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Major Wilmer Pagaduan, OIC Chief of Police ng Tayug PNP na matapos maiulat ang pagkakatagpo sa bangkay ng isang lalaki sa kanilang bayan, ay nagsabi sila sa mga kalapit nilang bayan kung saan tumugon ang Sta Maria PNP na may iniulat sa kanilang himpilan kaugnay sa pagkawala ng isang retiradong guro sa katauhan ni Arnaldo Tabucol.

Nang makita nang mga kaanak nito ang bangkay ay kanila itong kinilala.

--Ads--

Ginilitan sa leeg ang biktima gamit ang matalim na kutsilyo.

Police Major Wilmer Pagaduan, OIC Chief of Police Tayug PNP

Sa isinagawa nilang imbestigasyon, nawawala rin ang motorsiklo nang biktima kaya’t nagsagawa sila ng oplan sita at checkpoint kung saan natukoy ang mga estudyanteng suspek na ang isa ay menor de edad na syang gumagamit nito.

Nang masita ay dito na umamin ang menor de edad na estudyante sa ginawa sa biktima habang ang kasamahan nito ay nakatakas.

Isa rin umano sa mga barkada ng mga ito ang dumulog sa himpilan ng kapulisan at inihayag na umamin ang mga suspek sa kanilang ginawa kung saan sinundo pa nila ito at ipinakita ang crime scene.

Police Major Wilmer Pagaduan, OIC Chief of Police Tayug PNP

Napag alaman na uminom pa ng alak ang mga suspek bago ang gnawang krimen.