Mas mabilis na umanong matatanggap ng Pangasinan Provincial Health office ang resulta ng swab test dahil sa pagkakaroon ng molecular diagnostic laboratory sa probinsya.

Nabatid na ang nasabing pasilidad ay nasa Pangasinan Provincial Hospital. Nasa dalawang daang specimen kada araw ang maaaring masuri.

Bukod sa mass testing specimen ay maaari ring magpaeksamin dito ang mga pribadong pagamutan at indibiduwal.

--Ads--

Samantala, patuloy pa ring magpapadala ang PHO ng specimen sa partner molecular laboratory ng probinsya sa Baguio General Hospital.