DAGUPAN CITY–Lumabas na ang resulta ng RT-PCR test ng ilan sa mga vendors at dealers sa Magsaysay fish market na naging reactive sa isinagawang rapid testing kamakailan matapos na makapagtala ng positibong kaso ng covid19 sa naturang pamilihan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Ophelia Rivera, covid19 focal person ng Dagupan IATF, bagamat nakapagtala ng bagong kaso sa magsaysay fish market, sa susunod na 2 linggo muli itong isasailalim sa lockdown.

Aniya, maghihigpit din sila sa fish market kung saan maglalagay aniya ng mga magbabantay para masuri ang mga pumapasok kung mayroong signs and symptoms ng covid at kailangan may maipakitang rapid test result ang mga nagtitinda sa naturang palengke.

--Ads--

Nauna rito, 550 ang sumailalim sa rapid testing kung saan 86 ang naging reactive.

Dr. Ophelia Rivera, Covid19 focal person ng Dagupan IATF

Mula sa 86, 49 na ang sumailalim sa RT-PCR test kung saan dalawa dito ang nagpositibo sa covid19.