Muling pinaalalahanan ng Dagupan City PNP ang mga gun owners na pairalin ang responsible at proper gun handling.

Ito’y matapos makapagtala ng insedente kung saan isang punong barangay ang aksidenteng nakalabit ang baril sa loob ng mall dito sa lungsod ng Dagupan sa katauhan ni Brgy Banaoang Calasiao Punong Barangay Melecio Sapiera na ikinasugat ng 2 katao.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pol.Lt Enrique Columbino Chief Investigator ng Dagupan PNP , kapag may dalang baril kahit pa may mga kaukulang dokumento ay dapat aniyang pairalin ang “responsbile and proper gun handling”.

--Ads--

Huwag aniya basta-basta ilalagay sa bag lang dahil maari aniya itong pumutok lalo na kapag nakakasa.

Inihayag naman ni Columbino na sa panahon ngayon hindi basta-basta makakakuha ng lisensya ng baril kapag hindi sumailalim sa mga training at seminar.

Sa mga seminar at training aniya ay ituturo ang mga basic gun handling na dapat matutunan ng taong nais magkaroon ng lisensiya ng baril.