DAGUPAN CITY- Naging alternatibong transportasyon ng mga residente sa syudad ng Dagupan ang kuliglig, traktor, at improvised bangk dahil sa mataas na lebel ng tubig baha.
Umabot na sa beywang ng tao ang taas ng tubig baha sa Mayombo Street dulot ng patuloy na pag-ulan at mabagal na daloy sa drainage system.
Kaya ang nasabing alternatibong transportasyon na lamang ang may kakayanan na makadaan sa mataas na pagbaha.
Umaabot naman sa presyong P20-P30 kada pasahero, depende sa layo ng pupuntahan, ang sinisingil ng mga drayber ng kuligklig.
Ang ilan naman sa mga drayber nito ay mula sa karatig bayan at nakitang pagkakataon ito upang mapagkakitaan.
Bagaman isa ito sa pangunahing daanan sa syudad ay napipilitan na lamang na magbago ng dadaanang ruta ang mga motorista.
Hindi na rin ginugusto pa ng ilang mga pampublikong transportasyon na suongin ang baha dahil maaari lamang ito makasira sa kanilang makina.
Samantala, dahil sa nasabing pagtaas, napilitan na rin ang mga business establishments na magsara.