DAGUPAN CITY- Puspusan pa rin ang rescue operations ng mga kinauukulan sa Texas, USA upang hanapin ang mga napaulat na nawawala dulot ng pagragasa ng baha dahil sa pag-apaw ng lebel ng tubig sa Guadalupe River matapos ang pag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Isidro Madamba, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, umabot ang halos 15 ft. ang pag-apaw ng nasabing ilog na siyang nagdulot ng pinsala sa mga kabahayan.
Kabilang na rito ang summer camp na dinaluhan ng mga batang babae at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin pinaghahanap ang ilan pa sa mga biktikma.
Saad naman niya na taon-taon na at hindi na bago ang pagbaha sa nasabing estado.
Gayunpaman,wala naman naging warning device na nakapagsabi ng nasabing pagbaha.