Patuloy ang isinasagawang rescue operation ng mga concern offices hinggil sa nawawalang mangingisda sa Agno.
Kung saan hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nahahanap.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan — Public Information Officer, OCD Region I nag-order na ng foot patrol para sa paghahanap ang Regional Director ng OCD Region I maging ang Chairperson ng RDRRMC 1 sa mga areas na malapit sa mga shoreline upang sakali mang makita ang bangkay ng nawawalang mangingisda ay maireport agad.
Aniya na dalawang araw na nagconduct ng aerial operations ang mga nasabing opisina subalit wala paring progreso sa paghahanap.
Bagama’t noong Enero 27 pa ito naiulat na nawawala ay wala namang pre-determine na duration sa paghahanap at nakabase parin ito sa assessment o mga progress na nairereport.
Hindi naman tumitigil ang kanilang monitoring at ang pagsasagawa ng nasabing operasyon ay nakadepende din sa instruction ng local chief executive lalo na at may kamahalan ang ibang assets na ginagamit sa paghahanap.
Samantala, patuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga local fishermen nang sa gayon ay makatulong din sila sa paghahanap.
Bukod dito ay napag-alaman din na mayroon mangingisda mula sa lalawigan ang nakakakita sa sinakyang bangka ng nasabing mangingisda sa bayan ng Bani.