Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa Japan kasunod ng magnitude 7.1 na lindol na tumama sa Kumamoto Prefecture.
Ayon kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, maraming katao ang na-trap sa loob ng isang gumuhong shopping mall matapos ang malakas na pagyanig.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa Kumamoto, na matatagpuan sa timog na bahagi ng Japan. Naramdaman din ang malalakas na aftershock hanggang sa Hokkaido.
Dahil sa lindol, nagkaroon ng malawakang pagkawala ng kuryente, nasira ang ilang kalsada, gumuho ang bahagi ng pader ng isang kastilyo, at nawasak ang isang footbridge na ginagamit ng mga naglalakad.
Ayon pa kay Gavez, nangyari ang lindol habang maraming tao ang nasa labas pa. Dahil kasalukuyang summer season sa Japan, maraming mamimili ang mas pinipiling pumunta sa mall.
Samantala, agad na naglabas ng tsunami alert ang Japan Meteorological Agency matapos ang lindol.
Saad ni Galvez nba kapag may tsunami advisory ay kusa nang nagtutungo ang mga tao sa evacuation area.
Dahil sa dami ng naranasang lindol sa Japan ay maraming earthquake drills na isinasagawa bukod pa sa mayroon silang disaster nanagement center.
Matatandaang noong Hunyo 25 ay niyanig din ang Japan ng magnitude 7.2 na lindol, ngunit wala namang naitalang nasawi o malaking pinsala.










