Dagupan City – Ipinatupad ang rerouting sa bahagi ng Rizal Avenue sa lungsod ng Dagupan ngayong araw dahil sa nangyaring sunog sa isang commercial building.

Ayon kay Rexon De Vera, Deputy Chief ng Public Order and Safety Officer sa lungsod, ikinasa ito upang maiwasan ang trapiko sa AB. Fernandez Avenue.

Kung saan ang mga jeep ng Lingayen na dumaraan dito ay magiging Rizal to Rivera Street. Calasiao jeepney naman ay dadan na pansamantala sa bahagi ng under construction sa Perez, habang ang Bonuan naman ay dadaan muna sa Pantal palabas ng De Venecia Road

--Ads--

Samantala, nadeklara naman na itong fireout dakong alas-8 ng umaga.

Habang lumabalas naman na naunang sumiklab ang sunog sa itaas na bahagi ng 3 palapag na commercial building hanggang sa nadamay na ang ibaba .

Ayon sa may-ari na si Rosmarie Shi, ikinagulat nito ang nangyari dahil kahapon (Setyembre 29, 2024) dakong alas-8 ng gabi ay nagmula pa ang mga ito sa simbahan ngunit pagdating sa kanilang commercial building ay nadatnan na itong tinutupok ng apoy.

Ang laman ng commercial building ay mga light materials, gaya na lamang ng mga plastics na siyang ibinebenta rito.

Nauna na ring naapula ang apoy kagabi. Ngunit kaninang dakong alas-3 ng madaling araw ay muli na naman itong sumiklab.

Nakatulong naman ang pagbagsak ng building sa katabing bahagi, at ang nararanasang mga pag-ulan upang tuluyang maapula ang apoy.