Pinalakas umano ng Republic Act 12064 o ang Philippine Maritime Zones ang karapatan ng Pilipinas na saliksikin at pakinabangan ang mga natural resources sa Philippine Sea.
Ayon kay Sen. Francis “Tol” Tolentino, ang naturang batas ay kinakatawan ang hurisdiksyon ng bansa kaugnay sa establishimento at pag gamit sa mga artipisyal na isla, pagpapatayo ng mga istraktura sa karagatan, pagsasagawa ng marine scientific research, at iba pang karapatan na naaayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos).
Saad pa ni Tolentino, labis na makakatulong sa pagpapabuti ng seguridad sa enerhiya ng bansa ang mga langis, natural gas, at mineral reserves sa Philippine Rise o ang Talampas ng Pilipinas.
Ito ay may layong 250 km mula sa silangan ng Dinapigue, sa Isabela. Ito ay kinikilala sa ilalim ng international law bilang parte ng extended contintental shelf ng Pilipinas.