Pormal nang iprenisenta ni Dagupan City mayor Marc Brian Lim ang kumpletong report ng binuong flood Mitigation commission upang masolusyunan ang pagbaha sa lungsod.
Kasabay ng ipinatawag niyang press conference kahapon, sinabi ng alkalde na gugugol ito ng matagal na pag-aaral na maaaring aabot ng hanggang sampung taon o higit pa pero gagawin lahat ng kanilang makakaya sa tulong ng mga eksperto na maresolba ang problema sa baha sa lungsod.
Inihayag pa ng Alkalde na umaasa itong ang mga naturang pag-aaral ng Komite ang magiging basehan sa mga susunod na programa ng City Engineering Office at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ipinaabot rin nito ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagboluntaryong tutulong sa kanya sa pagresolba sa baha sa ciudad sa pangunguna ng engineeriong ofifce, plannning office at mga volunteers na bahagi ng commission.
Una ng sinabi ni Lim na uunahin munang i-emplementa sa Central Business District ng lungsod ang naturang plano at isusunod na sa barangay level.