Naglabas ng abiso ang Saudi Ministry of Human Resources and Social Development at Ministry of Labor and Social Development para sa mga OFW na gusto nang umuwi sa Pilipinas na naapektuhan sa krisis sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang nasabing abiso ay ayon mismo sa utos nang Kaharian ng Saudi Arabia.
Sa ekslusibong panayam kay Bombo International Correspondent Lawrence Valmonte mula sa Saudi Arabia, nabanggit niya na ang Saudi Ministry of Health lamang ang maglalabas ng exit visa ng mga OFWs na aalis sa naturang bansa sapagkat dadaan muna ang mga ito sa medical examination upang masiguro na hindi sila positibo sa coronavirus disease.
--Ads--
Dagdag pa nito, na ang employer ang mag-aasikaso sa kanilang mga papeles.