Pitong porsyento lamang kada taon ang maaaring itaas ng bayad sa renta para sa mga tenants at hindi pwedeng magkaroon ng higit pang pagtaas sa loob ng isang taon.

Ito ay nakapaloob sa Rent Control act na siyang pumoprotekta sa karapatan ng mga tenants gayundin sa panig ng mga nagpaparenta.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Charisse C. Victorio – Lawyer, ang batas na ito ay mahalaga upang malaman ang karapatan ng mga tenants kabilang na rin ang mga ipinagbabawal na gawin ng mga landlord.

--Ads--

Kung saan karaniwan sa mga urban areas ay umaabot ng P5,000 mahigit ang singil habang P5,000 pababa naman kapag sa mga non-urban areas.

Ani Atty. Victorio na ang nakasaad sa batas na ito ay 1 month advance at 2 months security deposit lamang ang pwedeng hingin ng landlord at hindi pwedeng sumobra dito.

Subalit kung kusang loob namang nais na magbayad ng tenant ay maaari naman.

Samantala, hinggil naman sa usaping illegal eviction kapag pinaalis ang tenant ng landlord ng walang sapat na dahilan ay maaari itong ireklamo.

Liban na lamang kung hindi ito nakapagbayad ng 3 buwan, gayundin kapag pinasub-lease ang inuupahang apartment o kwarto ng walang permiso ng may-ari.

Bukod dito ay maaari ding mapaalis ang tenant kapag kailangang idemolish ang unit at kung ang unit na ito ay kailangan ng gamiting ng may-ari for personal use.

Kaya’t mainam na dapat ay may kaalaman ang mga tenant at nagpaparenta ng mga bahay hinggil sa batas na ito.