Dagupan City – Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumaas ang personal remittances mula sa overseas Filipinos ng 2.5 percent sa USD3.21 billion noong Hunyo ng kasalukuyang taon.
Batay kasi sa inilabas na datos na inilabas ng BSP kamakailan, lumitaw na ang personal remittances ay nagkakahalaga ng USD3.21 billion noong Hunyo mula sa dating USD3.13 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Kung saan ang personal remittances ay nagreresulta sa kabuuan ng fund transfers sa pamamagitan ng cash o in kind.
Kaugnay nito, tumaas din ang cash remittances na ipinadadala sa pamamagitan ng mga bangko ng 2.5 percent sa USD2.88 billion noong
Hunyo mula sa dating USD2.81 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Samantala, para sa unang anim na buwan ng taon, ang remittances mula sa overseas Filipinos ay tumaas ng 2.9 percent sa USD18.10 billion mula USD17.59 billion naitala noong January hanggang June 2023.
Sa kabuuan, umabot na sa halagang USD16.25 billion ang kabuo-an ng cash remittances, tumaas ng 2.9 percent mula USD15.79 billion na naitala noong nakaraang taon.