Dagupan City – ‎Nagkakaisa ang lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya upang tiyakin na makarating ang kinakailangang tulong sa bawat pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad sa Brgy. Lasip Chico.

‎ Pinangunahan ito ng mga City Officials katuwang ang brgy. Captain ang relief operations sa kanilang lugar.

‎Kasama ng mga relief goods, nagsagawa rin ng pamamahagi ng Doxycycline capsules mula sa Department of Health (DOH) upang maiwasan ang pagkalat ng leptospirosis bilang pag-iingat para sa kalusugan ng mga residente, lalo na ang mga nakaranas ng pagbaha sa kanilang lugar.

‎Patuloy ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno. Ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWD), Dagupan City Police Office, at Dagupan City Fire Station, ay nakipagtulungan sa mga barangay officials, kasama ang mga volunteer na nagbigay ng serbisyo sa residente.

‎Sa tulong ng mga lokal na opisyal at iba’t ibang ahensya, naging maayos ang pagsasagawa ng mga relief operations, na nagbigay pag-asa sa mga pamilya sa Brgy. Lasip Chico.