Dagupan City – Isinagawa ang pamamahagi ng sako-sakong relief goods sa Barangay Tambac sa lungsod ng Dagupan kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo. Pinangunahan ito ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Barangay Captain Wilfredo Salayog, kasama ang ilang opisyal ng pamahalaang Panglungsod
Kasama rin sa operasyon ang mga kinatawan mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at ilang volunteers upang matiyak ang maayos na daloy ng distribusyon ng ayuda.
Ang relief operations ay isinagawa para sa agarang pangangailangan ng mga residente sa lugar. Naging maayos naman ang pamamahagi at naiwasan ang aberya habang tiniyak na makararating ang tulong sa mga pamilyang apektado.
Patuloy namang nagmo-monitor ang lokal na pamahalaan sa kalagayan ng mga barangay upang matukoy ang iba pang lugar na nangangailangan ng tulong.