Dagupan City – Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan, ang pamamahagi ng relief goods at libreng mainit na pagkain sa mga residenteng naapektuhan ng kamakailang pagbaha sa iba’t ibang barangay ng bayan.
Pinangunahan ni Mangaldan Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ang operasyon, kasama si Vice Mayor Atty. Fernando Juan Cabrera, ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, at iba pang kawani mula sa Municipal Social Welfare and Development Office, General Services Office, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Bukod sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, delata, at tubig, nagluto rin ng mainit na pagkain para sa mga evacuees at pamilyang hindi makalabas ng bahay dahil sa patuloy na pag-ulan at mataas na tubig.
Bahagi ito ng mabilis na pagtugon ng lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan sa gitna ng nararanasang kalamidad.
Sa kasalukuyan, inaalam pa rin ng pamahalaang bayan ang kabuuang bilang ng mga naapektadong pamilya habang nagpapatuloy ang relief operations.
Home Local News Relief goods at libreng pagkain, Ipinaabot sa mga iba’t-ibang barangay na naapektuhan...