Iniutos na ng House of Representatives kahapon ang release order ni Office of the Vice President Undersecretary Zuleika Lopez.
Si Lopez ay kamakailan na-confine sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) simula noong Novembre 23 matapos sumama ang pakiramdam nito nang mapagdesisyunan ng panel na ilipat ito sa Correctional Institution for Women.
Ang lumagda naman sa nasabing release order ay si Manila Representative Joel Chua, chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Agad naman ipinag-utos ang pagkalaya ni Lopez matapos isinagawa ang medical examination nito.
Naunang itinakdang matapos ang detention nito noong November 25 ngunit pinahaba pa ito hanggang kahapon, November 30.
Nobyembre 20 naman nag ipinag-utos ang detention ni Lopez matapos itong mapatawan ng contempt dahil sa ‘undue interference’ nito sa pagdinig at ang pag-iwas sa mga katanungan.