Proud na isinapubliko ng model-social media personality na si Katrice Kierulf at beauty queen-turned-pilot na si Chezka Carandang ang kanilang relasyon.
Pagkatapos ng ilang buwang haka-haka tungkol sa tunay nilang ugnayan, kinumpirma na ng dalawa ang kanilang relasyon.
Nag-upload si Chezka ng ilang video clips mula sa naging bakasyon nila ni Katrice sa isang beach resort.
Sa caption ng post, ibinahagi ni Chezka ang kasiyahan sa pagdating ni Katrice sa kanyang buhay.
Nagsimulang ma-link sa isa’t isa sina Katrice at Chezka matapos mapansin ng ilang netizens na madalas silang magkasama sa mga pribadong pagtitipon.
Nagdagdag pa sa hinala ang madalas nilang paglabas sa TikTok videos ng isa’t isa, kahit hindi buong mukha ang makikita.
Maraming netizens ang natuwa sa pagha-hard launch nina Katrice at Chezka sa kanilang relasyon, lalo na’t parehas silang galing sa long-time relationship bago nagkamabutihan.
Dating karelasyon ni Katrice ang actress na si Klea Pineda.
Noong July 2025, isinapubliko ni Klea ang kanilang hiwalayan matapos ang tatlong taong relasyon.
Sa kasalukuyan, nali-link si Klea sa actress na si Janella Salvador.
Bago maghiwalay, na-engage ang dating Miss Philippines Earth 2015 candidate na si Chezka sa kapwa beauty queen-pilot na si Clare Inso.
Tumagal ng halos walong taon ang kanilang relasyon bago sila naghiwalay noong December 2025. VIA PEP










