DAGUPAN CITY- Takot sa pagkakakulong sa isang kasal matapos magloko o mag-cheat ang kinakasama ang dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang mas pinipili ang live-in kaysa pagpapakasal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Nestor Castro, Anthropologist mula sa University of the Philippines, iba na rin kase ang nagiging takbo ng mga kabataan sa isang relasyon kung saan umiiwas sila sa maaari nilang pagsisihan sa hinaharap.

Aniya, hindi tulad dati, mas independent na ang mga kababaihan kung saan nagagawa na rin nilang makapagtrabaho.

--Ads--

Gayunpaman, nagkakaroon ng pagkalito sa pagkaklasipika sa kasal na at live-in dahil karamihan sa mga mag-live in ay tinatawag na asawa ang kanilang kinakasama.

Samantala, may mga ilan pa rin na hindi magawang makaalis sa kanilang karelasyon kahit pa man na pisikal na silang sinasaktan.

Nakakaapekto rin kase ang pressure na nakukuha mula sa mga magulang.

Dagdag pa ni Prof. Castro, kailangan pag-isipan mabuti ang pagpasok sa live-in o pagpapakasal. Kinakailangan na mas kilalanin ang kasintahan upang hindi mauwi sa hindi inaasahang pagkakataon na kalaunan ay pagsisisihan.

Lalo na aniya ay nagbabago na ang mga relasyon ngayon kung saan iba na ang set-up kumpara sa mga nakaraang henerasyon.