“We should be preparing for the worst.”
Yan ang ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco Political Analyst kaugnay sa pagpapalit ng liderato sa Amerika gayong si US President Elect Donald Trump ang nanguna sa katatapos lamang na halalan.
Bagamat ang karakter ni Trump ay unpredictable kaya’t mainam na tayo ay maging handa lalo na at may kakayahan itong magdesisyon ng bigla biglaan ng walang kinokonsulta.
Bukod dito dapat din ay maging bukas tayo sa posibilidad na magbabago ang tingin ng Amerika sa atin gayundin ang posisyon nila pagdating sa relasyon ng bansa.
Dagdag pa niya na hindi din tayo nakasisiguro na kapag may nangyaring sigalot ay reresbakan tayo ng Amerika o di naman kaya sila ay sasaklolo.
Bagamat ay wala pang nakikitang dahilan na magbabago nag relasyon ng Amerika at ng Pilipinas sa ngayon ay mainam parin na tayo ay maging handa sa mga posibilidad na maaaring mangyari.