DAGUPAN CITY – Nakapagtala ng aabot sa P217.2 milyon sa buong rehiyon uno ang pinsalang dulot ng Bagyong Kristine.

Ang nasabing datos ay progress report pa lamang at inaasahang tataas pa ito kapag naconsolidate na ang lahat ng mga report sa rehiyon.

Ayon kay Vida Cacal, Spokesperson Department of Agriculture Region 1 na ang naitalang total damage ay as of October 26 pa lamang kung saan pinakamalaking naapektuhan ay ang sektor ng agrikultura.

--Ads--

Sa corn sector ay nasa P213.9 milyon, P160.1 milyon naman sa rice sector, ang high value crops naman ay nasa P53.5 milyon habang ang livestock ay nagtala naman ng P3.3 milyon loses.

Ang lalawigan ng Pangasinan ay nakapagtala ng P153.3 milyon loses, P33 milyon sa Ilocos Norte, ang La Union naman ay nakapagtala ng P30.8 milyon habang wala pang naitatala sa Ilocos Sur sa ngayon.

Ani Cacal na lubusang naapektuhan ang mga magsasaka na handa na sanang magharvest ng kanilang mga pananim subalit naabutan pa ng bagyo.

Samantala, lagi namang may inilalaan na buffer stock ang kanilang tanggapan kung saan may nakahanda silang mga seedlings gayundin ang livestock drugs at iba pa.

Panawagan naman nito sa mga magsasakang naapektuhan na mainam na maagang pagreport sa kani-kanilang local government unit para sa damages sa kanilang pananim, upang maisama sila sa official masterlist na makakatanggap ng mga interventions.