DAGUPAN CITY–Ipinatutupad na sa bayan ng Bayambang Pangasinan ang regulasyon sa paggamit ng single plastic bag.

Ito ay isang eco-friendly plastic bag na maaring gamitin ng mga bawat mamimili na paglagyan ng mga pinamiling karne, isda at iba pang wet products.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Bayambang kailangan nilang ipatupad ang paggamit ng eco bag dahil sa pagtaas ng 20 percent ang nakokolektang basura sa naturang bayan.

--Ads--

Kaugnay nito,hinihikayat ng lokal na gobyerno na makipagtulungan ang mga mamamayan upang masanay at makatulong sa pagbaba ng bilang ng mga nakokolektang basura