Dagupan City – Nagsagawa kahapon ang LGU Manaoag ng regular na flushing, disinfection, at paglilinis ng mga drainage sa bagong One Manaoag Public Market bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng pamilihang bayan.

Pinangunahan ng ito Market Division Office, katuwang ang mga utility personnel at Manaoag Bureau of Fire Protection (BFP), ang regular na paglilinis ng mga drainage upang maiwasan ang pagbabara, mabahong amoy, at iba pang maaaring pagmulan ng sanitation at health concerns sa lugar.

Layunin ng naturang gawain na mapanatiling maayos at malinis ang pamilihan para sa mga vendors at mamimiling araw-araw na gumagamit ng pasilidad.

--Ads--

Hinimok naman ang mga nagtitinda at mamimili na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa loob at paligid ng palengke.

Binigyang-diin na mahalaga ang wastong pagtatapon ng basura at pangangalaga sa mga pasilidad upang mapanatiling malinis at ligtas ang pamilihang bayan.

Patuloy namang isasagawa ang regular na paglilinis tuwing Biyernes at maintenance activities upang mapanatili ang maayos na kondisyon ng bagong One Manaoag Public Market para sa kapakanan ng bawat mamimili at mga nagtitinda sa lugar.