Dagupan City – Nagsagawa ng regular checkpoint operation ang mga tauhan ng Bugallon Municipal Police Station noong Marso 29, 2026 sa Barangay Samat bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng seguridad at kaayusan sa bayan.
Pinangunahan ang operasyon ni Jojit P Ocromas, Duty Officer, sa ilalim ng pangangasiwa ni Rodolfo S Labayo Jr, Officer-in-Charge ng himpilan.
Layunin ng checkpoint na mas mapalakas ang pagbabantay laban sa kriminalidad, matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pasahero, at mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Sa isinagawang operasyon, nagsagawa ng inspeksyon sa mga sasakyan at pinaalalahanan ang mga motorista na sumunod sa umiiral na batas-trapiko, kabilang ang wastong paggamit ng helmet, seatbelt, at pagkakaroon ng kumpletong dokumento sa pagmamaneho.










