Dagupan City – Isa ang Dagupan City Police Station na nakatanggap na pagkilala bilang Regionwide Top Performing City Police Station noong buwan ng Mayo.

Binigay ito ng Regional Office kung saan nakakuha sila ng rating na 99.432%.

Ayon kay PLTCOL. Brendon Palisoc, Chief of Police ng nasabing himpilan na resulta ito ng produktibong pagganap ng kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng peace and security sa mga maraming accomplishment na nakakapag-ambag sa buong rehiyon 1.

--Ads--

Aniya na mahalaga ang ganitong mga parangal dahil nakakapagpataas ng moral ng mga police at nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa, hindi lang sa Dagupan kundi buong kapulisan ng Pangasinan at upang mas lalo pang ayusin na gampanan ang kanilang tungkulin sa pagsisilbi sa bayan.

Nagpasalamat naman ito sa tulong ng ilang mga indibidwal at sa alkalde ng lungsod sa suporta sa mga aktibidad at programang ginagawa ng kanilang hanay.

Dagdag nito, tuloy-tuloy ang kanilang mga kampanya sa ilang kriminalidad lalo na sa illegal na droga upang mabawasan ang gumagamit nito kung saan ang Dagupan ay binibisita ng halos lahat ng tao.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring nila sa ilang barangay sa lungsod tungkol sa illegal na droga dahil marami pa dito ang hindi pa drug cleared.