DAGUPAN CITY- Matagumpay na naaresto ang isang Regional Priority Target at High Value Individual matapos ikasa ng Pilippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) Pangasinan ang isang buy-bust operation sa syudad ng Alaminos.

Ayon kay PCPT Rowell Isit, Team Leader Team 2 ng PDEG Pangasinan, ang suspek ay isang 40 taon gulang na lalaki na dating drug surrenderee noong 2016, isang construction worker, at residente ng Sitio Pandayan Barngay Poblacion, sa nasabing syudad.

Aniya, nahulihan ang suspek ng humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu.

--Ads--

Napag-alaman nila na isinasagawa nito ang illegal na aktibidad sa syudad at kalapit munisipalidad, partikular sa Labrador at Sual habang sa kanilang syudad din nagmumula ang pinagkukuhanan nito ng illegal na droga.

Matagal na umano nila itong binabantayan na umabot ng 2 buwan upang tiyakin ang kaligtasan sa isasagawang operasyon at maging matagumpay ito.

Nakadetine naman ang suspek sa himpilan ng Binmaley PNP at patuloy ang pagproseso ng dukemento upang masampahan ito ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, karagdagang imbestigasyon at operasyon ang kanilang ilalatag matapos isiwalat ng suspek ang mga sangkot na indibidwal.

Patuloy din ang kanilang mga estratehiya upang makakalap pa ng mga impormasyon na makatutulong sa paglaban nila sa illegal na droga.