DAGUPAN CITY- Nagsilbing host sa taunang Regional Festival of Talents at Regional School Press Conference (RSPC) ang Dagupan City National High School (DCNHS) na isinagawa ngayong taon kung saan pinagbibidahan ito ng mga kalahok galing sa iba’t-ibang lugar sa Rehiyon Uno.
Ayon kay Willy Guieb, School Principal ng nasabing paaralan, lahat ng 14 Division mula sa buong Rehiyon Uno ay lumahok sa patimpalak, upang ipakita ang kanilang mga talento at kasanayan sa iba’t ibang larangan ng sining, pagsulat, at iba pa.
Aniya, mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong uri ng kompetisyon para ipamalas ng mga estudyante ang kanilang husay at talento lalo na pagdating sa mga media related skills.
Samantala, nagtagisan ang mga mag-aaral sa larangan ng pamamahagi ng balita, pagsulat ng mga artikulo, at iba pang media-related skills ang mga kalahok sa Regional Schools Press Conference.