Nanatili pa rin sa red alert status ngayon ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1 – Emergency Operation center sa gitna ng patuloy na pagbaybay ng bagyong Paeng sa bansa.
Ayon kay Bernadette G. Abubo ang siyang Civil Defense Officer II ng Office of the Civil Defense Region 1 na bagaman sa kanialng inisyal na pagtaya ay hindi lubhang naapektuhan ang rehiyon sa naging pagbaybay ng naturang bagyo ay patuloy aniya ang kanilang isinasagawang monitoring sa mga lugar na nakapagtala ng mga nailikas na residente.
Aniya na kahapon pa lamang ay naglabas na ng storm surge warning sa lalawigan ng pangasinan dahil sa inaasahang coastal flooding kaya naman nagsagawa na umano ng preemptive evacuation sa mga residenteng maaapektuhan nito.
Kaya naman nakaranas aniya ng pagbaha ang ilang mga bayan ng Agno, Anda, Bani, Binmaley.
Kasama rin ang mga lugar ng Bolinao, Burgos, Dasol at Infanta, Labrador, Lingayen, San Fabian maging ang Sual at ang mga lungsod ng Alaminos at Dagupan.
Sa kabilang banda, nagpapatuloy naman ang rescue operations sa Adams sa Ilocos Norte, bukod pa aniya sa epekto ng Bagyong apeng sa lugar ay naitala rin doon ang pinsala dulot ni Bagyong Neneng at ng nagdaang lindol.
Samantala tiniyak naman nito na patuloy ang kanilang pakikipagugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno ukol sa magpapatuloy na pagresponde sa mga naapektuhang indibidwal dulot ng naturang bagyo.
Tiniyak din nito na patuloy ang kanilng monitoring sa publiko hinggil naman sa paggunita ng Undas 2022.