Dagupan City – Inihayag ni Rosalie Solis, Head Coach ng Region 1 Sepak Takraw Buffalo’s, na nasa 90% na ang kahandaan ng kanilang koponan para sa nalalapit na Palarong Pambansa 2025.
Habang ang nalalabing 10% ay sa kailangang paghandaan ng mga atleta ay ang pagharap sa emosyonal na aspeto ng laro, tulad ng pag-overcome ng kaba, lalo’t karamihan sa mga miyembro ay ito ang unang pagkakataon na lalaban sila sa pambansang antas.
Ayon sa kanya, tuloy-tuloy ang pagsasanay ng mga atletang mula sa sekondarya, upang tiyakin ang mataas na antas ng kanilang laro.
Nangako naman ito na susubukan nilang kunin ang gintong medalya.
Kumpleto rin umano ang kanilang kagamitan, na malaking tulong sa kanilang preparasyon.
Ang koponan ay binubuo ng 15 manlalaro: 8 mula sa Asingan, Pangasinan; 4 mula sa Ilocos Norte; 2 mula sa San Fabian; at 1 mula sa San Carlos City.