Patuloy na nasa ilalim ng Red Alert Status ang rehiyon uno dahil sa epekto ng bagyong Crising at ng umiiral na southwest monsoon o habagat.
Ayon kay Laurence E. Mina Regional Director, Office of the Civil Defense (OCD) Region 1 batay sa pinakahuling monitoring, nakakaranas pa rin ng katamtaman hanggang bahagyang pag-ulan sa ilang bahagi ng rehiyon.
Aniya sa kasalukuyan, 24 na kabahayan na ang napaulat na nasira, kung saan 22 dito ang partially damage at habang 2 naman dito ang totally damaged.
Bagama’t ay hindi pa rin nadadaanan ang 21 na local roads sa rehiyon, ngunit lahat ng national roads ay passable o madaanan na.
Bukod dito nasa mahigit 32,000 pamilya naman ang naapektuhan at naitala rin ang minor landslides sa Ilocos Sur (1 insidente), La Union (4 insidente), at Ilocos Norte (1 insidente), ngunit na-clear na ang mga ito at ligtas nang daanan.
Sa ngayon, tanging bayan ng Umingan, Pangasinan ang nagdeklara ng State of Calamity at wala nang ibang lokal na pamahalaan ang nagdeklara nito.