Nananatiling Covid-19 free ang buong Region 1 hanggang sa kasalukuyan ayon sa maigting na monitoring ng Department of Health o DOH Field Office 1.
Sa ginanap na KBP Forum, kinumpirma ni Dr. Rhuel Bobis, Medical officer 4 ng DOH Region 1, bagamat nakapagtala ng 13 na kaso ng Patient Under Investigation o PUI sa rehiyon, lahat naman aniya ang mga ito ay nag negatibo sa Covid-19.

Mayroon din silang tinitignan sa ngayon na 38 Persons Under Monitoring o PUM kung saan ang lahat ng mga ito ay kanilang pinapayuhan na mag self quarantine sa loob ng 14 days.

Tatlumput tatlo sa kanila ay tuluyan na ding natapos sa quarantine period at ang natitirang 5 ay mahigpit na binabantayan sa ngayon.

--Ads--

Mula March 4 ng kasalukuyang taon, nakapagtala ng 629 na kaso ng PUI sa buong Pilipinas. Paliwanag ni Bobis na kapag sinabing PUI, hindi ito kumpirmadong Covid-19.

Sa kabuuang bilang, 39 na lamang ang naka admit sa iba’t-ibang ospital ng ating bansa at kasalukuyang inaantay ang kanilang confirmatory test.