Nakahanda ang Region 1 Medical Center sa mga maaaring magpositibo pa sa isinasagawang malawakang pagsusuri sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Region 1 Medical Center Director Dr. Roland Mejia, may nakahangang 124 rooms para sa mga COVID-19 patients sa kanilang pasilidad.

Aniya, mas mainam umano na nakaconfine sa hospital ang mga pasyente dahil kapag walang sariling kwarto sa bahay ang ito ay delikado dahil kung walang personal protective equipment o PPEs ang mag-aassist sa kanila ay mas mataas ang tiyansa na makahawa ang mga ito.

--Ads--

Paliwanag pa nito na kung ikukumpara sa ospital na may 1 patient per room at ang mga nag-aasikaso sa mga ito ay nakasuot ng mga protective gear kontra COVID-19, minimal lamang ang pagkakaroon ng transmission ng naturang sakit.

Matapos nito ay muling isasailalim sa pagsusuri ng dalawang beses ang mga pasyente at kapag negatibo ang resulta ng mga ay deklaradong magaling ang mga patiente.

Dagdag pa nito, libre at sasagutin ng gobyerno ang lahat ng gastos maging ang mga isasagawang pagsusuri para sa mga naturang pasyente.

Nagpaalala naman si Dr. Mejia sa publiko na pairalin pa rin ang mga precautionary measures sa covid19 upang makaiwas sa naturang sakit.