Dinaluhan ng nasa 200 kababaihan sa bayan ng Manaoag ang isinagawang libreng Pap smear activity na inorganisa ng Municipal Health Office (MHO) katuwang ang Region 1 Medical Center.
Ginanap ito sa Regional Evacuation Center gamit ang mga pribadong tent para sa privacy na pinangunahan ng mga healthcare professionals mula sa nasabing mga opisina.
Mahalaga ang pap smear bilang ilang pagsusuri para sa maagang deteksyon ng mga pagbabago sa cervix na maaaring humantong sa cervical cancer.
Bukod sa serbisyo ay nagbahagu naman ng ng mga mahahalagang lektura sina Dr. Zheila Fernandez ng R1MC tungkol sa mga sexually transmitted infections (STIs) – kung paano ito naipapasa at maiiwasan – at Dr. Manny Domalanta tungkol sa cervical cancer at ang kahalagahan ng maagang pagsusuri at paggamot kung saan ito ang magsisilbing gabay sa mga kababaihan sa mas maayos na pangangalaga ng reproductive health.
Lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa matagumpay na aktibidad habang patuloy naman ang kanilang pagsisikap sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na ng mga kababaihan.