DAGUPAN CITY- Muli lamang nagbabalik ang red tide sa bansa matapos ang matagal na panahong hindi ito naranasan, ayon sa isang eksperto.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Westly Rosario, Former Director ng National Integrated Fisheries Technology Development Center – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, madalang lamang magkaroon ng red tide sa lalawigan subalit, madalas itong maranasan sa Western Pangasinan dahil sa maalat na tubig at kondisyon ng putik sa pangisdaan na tila nangsisilbing fertilizer sa mga ito.
Aniya, sa oras na magkaroon ng red tide sa lalawigan ng Pangasinan ay agad itong binabantayan ng BFAR.
Hinggil pa rito, kadalasan naaapektuhan nito ay ang mga talaba at tahong.
Gayunpaman, hindi rin aniya ito mapipigilan dahil napapasama ang mga ito sa kalakalan.
Pinaniniwalaan din na isa sa mga dahilan ay ang barkong naghahatid ng uling para sa isang power plant sa Masinloc.
Samantala, umabot na sa 24 lugar sa Pilipinas ang opisyal na binabantayan sa tuwing may red tide.
Kabilang rito ang ilang bahagi ng lalawigan na malapit lamang sa Zambales.
Pinag-iingat naman ni Rosario ang publiko sa pagkain ng mga tahong at talaba na apektado ng red tide.










