Nakataas na sa red alert status ang Regional Disaster Risk Reduction and Management operation center sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Mike Sabado, spokesperson ng Office the civil Defense o OCD region 1, importanteng nakatutok ngayon ang mga Local Goverment Uniits hanggang sa barangay level.

Bago ang pagtama ng bagyo sa lalawigan ay nagpalabas na sila ng advisory at memorandum patungkol sa pagsasagawa ng preemptive evacuation at iba pang preparedness measures.

--Ads--

Nanawagan si Sabado sa lahat ng LGU na tignan ang mga flood prone areas at puwedeng magkaroon ng landslide sa kanilang lugar.

Ibinabala din niya ang storm surge na puwedeng umabot ng 2 meters kaya pinapayuhan ang mga residente na nakatira malapit sa dagat na gawin ang nararapat na paghahanda upang hindi maapektuhan ng sama ng panahon.

Mike Sabado, spokesperson ng Office of the Civil Defense o OCD region 1

Noon pa bago dumating ang bagyo ay nagkaroon na na sila ng pre-disaster risk reduction assessment meeting para makita ang risk at puwedeng panganib ng bagyo sa kanilang lugar.

Dagdag pa niya na noong inanunsyo ng PAG-ASA ang storm signal number 3 ay hindi agad agad naranasan ang malakas na ulan at hangin, nangangahulugan din na mayroong 12 oras na gagawing paghahanda bago naranasan ang epekto ng bagyo.

Naglabas din si Pangasinan Governor Amado Espino III ng memorandum no. 2020-04, para sa lahat ng local chief executives sa probinsya at mga LDRRMC chairpersons upang ihanda ang kani kanilang mga tauhan at equipment at inatasan silang mahigpit na babantayan ang mga high-risk areas at dapat may nakahanda nang pre-emptive evacuation.