Inilatag ng bagong talagang hepe ng Dagupan City PNP ang kanyang mga plano at programang gagawin dito sa syudad para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lt. Col. Abubacar Mangelen Jr., bagong Chief of Police ng Dagupan PNP, sinabi nito na naka-RED alert ang kanilang himpilan na nangangahulugan ng Ready, Evolve at Discipline.

Aniya, dapat laging handa ang kapulisan na magsilbi sa publiko, bente kwatro oras, Lunes hanggang Linggo kahit high tide man o low tide. Dapat aniya na magamit ng mga pulis ang kanilang training at kailangang laging unang rumeresponde sa mga report habang pasok naman sa programa ng PNP na internal cleansing ang Discipline.

--Ads--
voice of Lt. Col. Abubacar Mangelen Jr.

Ayon pa sa opisyal, nakamaximize na rin ang kanilang mga tauhan sa mga Police Community Precinct dito sa lungsod kung saan mula sa anim ay naging sampung mga pulis na ang nakatalaga dito para mas matutukan pa ang kanilang area of resposibility.