DAGUPAN CITY- Umabot na sa hindi bababa sa 10 ang mga naitalang kaswalidad dahil sa record-breaking winter storms sa US Gulf Coast.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Paul Garilao, Bombo International News Correspondent in USA, dulot ng mga pagkasawi ang matinding mababang temperatura, at aniya, umaabot ito sa 16-18 degrees Farenheit.

Maliban pa riyan, hindi na rin madaanan ang ilang mga daanan dahil sa makakapal na niyebe.

--Ads--

Subalit, dalawang araw bago maranasan ang matinding pagbagsak ng snow, nagdeklara na ng state of emergency si Gov. Ron DeSantis.

Kinansela naman ang pasok sa paaralan at trabaho upang maiwasan ang anumang insidente.

Gayunpaman, sa ngayon ay wala pang naitatalang mga inilikas ngunit, handa naman ang mga winter shelters na ginagamit sa tuwing ganitong sitwasyon.