Pumalo na sa 4,285 ang naitalang daily COVID-19 cases sa hongkong dahil sa mas nakahahawang Omicron variant, ilang buwan matapos ang zero cases noong isang taon.
Sa pahayag ni Bombo International News Correspondent Marlon De Guzman na nararansan sa kanilang bansa ang fifth wave ng covid virus kung saan ay pawang mga senior citizens ang tinatamaan ng naturang virus.
Napuno rin aniya ng mga COVID patient ang ilang pampublikong pagamutan at nauubusan na rin ng mga hospital bed.
Dahil dito, ay nagablik umano ang kanilang lugar sa mga mas mahihigpit na mga panuntunan kung saan ay nililimitahan na ang paggalaw ng mga residente.
Dagdag rin nito na tinaasan na rin ang multa sa mga lalabag sa mga protocols na aabot na sa halos 10,000 hongkong dollar o higit 66,000 pesos ang multa sa lalabag sa social distancing.
Humingi na rin umano ng tulong ang Hongkong sa bansang China para sa agarang solusyon sa nagiging mabilis na local transmission ng virus.
Inaasahan na rin umano na sa unang linggo ng Marso ay magsasagawa ng mandatory covid testing sa lahat ng mga residente nito na gagawing tatlong beses kada linggo.
Sa ngayon aniya ay patuloy ang pakikipag-ugnayan at pagtulong ng gobyerno ng Pilipinas sa mga Overseas Filipino workers roon na nagpopositibo sa COvid-19.