Tiniyak ni dating aktres at ngayon ay Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao na mas palalawakin pa ang rebolusyon laban sa kahirapan.

Sa kanyang inaugural speech, binigyang diin ni Quiambao na kailangan na pagtibayin ang disiplina dahil ito ang susi sa tagumpay.

Hindi sapat ang magagandang plano kung walang disiplina ang mamamayan.

--Ads--

Marami umanong lumalabag sa simpleng patakaran gaya ng hindi tamang pagbabayad ng buwis, pagtatapon ng basura sa mga lilog, kanal at kung saan saan, nagnenegosyo na walang permit o hindi sumusunod sa mga regulasyon at ilan din ang nagnanakaw ng kuryente sa pamamgitan ng illegal connection kung saan ay may mga ganito ring naitatala sa kanilang bayan.

Nakakasira ito sa ekonomiya at delikado rin sa buhay kaya naman bubuo sila ng task force disiplina sa buwan ng Agosto.

Aniya, magiging agresibo ang Lokal na pamahalaan sapagpapatupad ng batas upang maitaguyod ang kaayusan sa kanilang bayan.