Kailangan ng ibasura ang RCEF extension na pinirmahan ni PBBM dahil delubyo lamang ang idinulot nito na siyang nagpababa sa presyo ng palay sa bansa.
Ayon kay Cathy Estavillo Spokesperson, Bantay Bigas hindi natupad ang pangako ni PBBM na P20 kada kilo ng bigas at sa kaniyang administrasyon ay naranasan natin ang pinakamataas na presyo ng bigas.
Bukod dito ay no. 1 rice importer din ang Pilipinas sa buong mundo.
Aniya na napakakonkretong batayan na ito para ibasura ang RA 11203 bagama’t wala namang signipikanteng naitulong ito sa mga magsasaka bagkus ay nabaon pa ang mga ito dahil sa kawalan ng irigasyon, post harvest facilities, machineries at iba pa.
Lumalabas din na napopolitika ang pagbibigay ng mga subsidiya sa mga magsasaka dahil madami din ang nagsasabi na hindi sila nakakakuha o nakatatanggap nito.
Sambit ni Estavillo na kung ang P30 bilyon na ilalaan para sa RCEF extension na ito nangangahulugan na manggagaling ito sa rice tariff at ganun kalaki ang i-iimport para makalikom ng ganoong halaga.
Ngunit ibinaba naman ang taripa kaya’t aniya ay deceiving lamang ang binabanggit na ito ng gobyerno.
Dapat ay i-encourage na lamang ng gobyerno ang ating mga magsasaka na magtanim, i-ensure ang mataas na presyo ng palay at gobyerno mismo ang bumili para hindi ito mabarat.