DAGUPAN CITY— Pinagpaplanuhan na ng siyudad ng Dagupan ang approach ng pagkakaroon ng rapid testing at PCR Test upang mas matukoy pa ang mga taong maaring mayroong coronavirus disease sa lungsod.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dagupan City Mayor Marc Bryan Lim, nabanggit nito na balak ng kanilang tanggapan na magkaroon ng nasabing mga tests upang mas mapadali pa ang pagtunton at paglapat ng paunang lunas kung sakaling may matukoy na mga mamamayan na nagpositibo sa naturang virus.
Aniya, nakapagbigay na ng testing kits ang kanilang tanggapan sa City Health Office .
Sa kabilang dako, ang PRC test naman ay isang kasunduan sa pagitan ng siyudad ng Dagupan at ng Philippine Red Cross para magamit ito sa pagsasagawa ng test.
Dagdag pa nito, ang mga sample na throat swab ay ipapadala ng Dagupan sa Red Cross at makukuha ang resulta nito sa loob ng 2 araw.