DAGUPAN CITY- “Bangking” na umano kung tawagin ang ranking policy ng mga guro dahil sa hindi na pantay ang mga ito.

Ayon kay Cong. Marlyn Primicias Agabas, 6th District of Pangasinan, dahil sa nasabing issue ay nababalewala ang matatalinong guro kung napupunta sa mababang ranking ang may mataas na grado.

Mas mabibigyan kase ng prayoridad na ma-appoint ang isang guro na nangunguna sa ranking.

--Ads--

Aniya, kung hindi ito maaayos ay hindi mahuhugot ang mga magagaling na guro.

Sinang-ayunan naman niya ang mungkahi ni Education Sec. Sonny Angara sa pag-amyenda ng localization law sa pag-hire ng mga guro.

Maasahan naman na magiging principal of author sa nasabing pag-amyenda ang kongresista kung bibigyan umano sila ng mga listahan na maaaring baguhin para sa ikabubuti ng Department of Education (DepEd).