Hindi pa rin lubos makapaniwala na makabilang sa topnotcher ang rank 7 sa Philippine Nurses Licensure Examination.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Samantha Joy Eco Cruz, rank 7 sa Philippine Nurses Licensure Examination, sinabi nito na hindi naging madali ang kanyang journey.

Saad nito na marami siyang hinarap na challenges gaya ng napakaraming gawain kasama ang pangangailangang pinansyal.

--Ads--

Marami siyang inspirasyon sa kanyang pag aaral at nariyan ang kanyang mga magulang, mga kaibigan at kaklase at magagaling na guro.

Kanya ring ibinahgi na sa kanyang pag aaral ay pinagreview silang mabuti.

Maraming binigay sa kanilang tips, at practice questions para maging handa sa exam.

Payo niya sa mga estudyante na sasabak sa pagsusulit na magdasal, samahan ng sipag at tiyaga ang pag aaral at magreview nang maigi upang maabot ang pangarap.