Ibinahagi ni Dr. Xyryl Lynx Lizardo Doctor ang nanguna sa 2025 Veterinary Medicine computer-Based Licensure Examination ang mahigpit na paghahanda at sakripisyo sa loob ng anim na taon ng pag-aaral.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanya, hindi naging madali ang paglalakbay patungo sa tagumpay dahil sa matinding pressure, kakulangan sa oras, at mga sandaling napanghinaan ng loob.
Gayunpaman, sa tulong ng kanyang pamilya, determinasyon, at pananampalataya, nagawa niyang malampasan ang mga pagsubok.
Nalaman ni Dr. Xyryl ang resulta ng exam sa kalagitnaan ng gabi matapos ipaalam ng isang kaibigan na kasama ring pumasa.
Agad niyang ibinahagi ang balita sa kanyang mga magulang na labis na nagalak sa kanyang tagumpay.
Si Dictor ay tubong Villanueva, Bautista, Pangasinan at nagtapos sa Central Luzon State University sa Science city of Munoz, Nueva Ecija
Sa kasalukuyan, pinag-iisipan pa niya kung saang larangan siya magtatrabaho– sa farm practice, akademya, o veterinary clinic.
Nagbigay siya ng paalala sa mga kabataang nag-aalinlangan na kumuha ng board exam na ang susi sa tagumpay ay maagang paghahanda, pananalig sa Diyos, at pagtitiwala sa sarili.
Ang kanyang kwento ay patunay na sa kabila ng kaba at pangamba, kayang makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pagsisikap, determinasyon, at pananalig.
 
		









