Wala umanong epekto sa nakakaraming taumbayan ang nangyaring rally ng mga Iglesia ni Kristo pero sa mga pulitiko ay meron.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na maaaring naiisip ng ibang pulitiko na hindi magandang ituloy ang impeachment laban kay VP Sara Duterte at may pananaw sila na baka kung ano ang sinabi ng INC ay susundin nila ito kung hindi ay hindi sila mananalo sa halalan.
Sa panig naman ng mga supporters ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., naniniwala si Yusingco walang nagbago sa kanilang pananaw.
Pero kung sa supporters ni VP Sara ay matutuwa sila sa nangyaring rally dahil mistulang nasususugan ang posisyon nila na suportahan nila ito.
Binigyang diin pa nito na walang pakialam ang mas nakakaraming taumbayan sa nasabing rally dahil ang iniisip nila ay ang problema sa bansa gaya ng inflation, food crisis, krisis sa edukasyon, kapaligiran at sakuna sa ibat ibang bansa.
Samantala, kaugnay naman sa usaping impeachment kay VP Sara, naniniwala rin ang political analystna walang paki alam ang pangulo sa impeachment laban sa kanyang bise
Aniya, sa saligang batas ang mga mambabatas ang magdidisisyon dito at dapat gamitin ang sarili nilang pag iisip.
Hindi umano dapat madaliin ang impeachment process lalo na at apat ang impeachment complaint laban sa bise presidente ang dapat nilang pag-aaralan.